Connect with us

DFA, muling maghahain ng diplomatic protest laban sa China

National News

DFA, muling maghahain ng diplomatic protest laban sa China

Muling maghahain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China kasunod ng balitang nagpaputok ng warning shot ang china sa Philippine Military Aircraft na nagpapatrolya sa West Philippine Sea.

Sa isang tweet, sinabi ni Foreign Affairs Secretray Teodoro Locsin Jr na hihintayin niya muna ang kumpirmasyon ng National Intelligence Coordinating Agency sa insidente bago maghain ng diplomatic protest.

Dagdag pa ni Locsin na pagkakatiwalaan lamang niya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na sabihin ang totoo at hindi ang civilian sources.

Gayunman, maalalang mismong si Afp Deputy Chief of Staff for Intelligence Major General Reuben Basiao ang nagsabing mula Enero hanggang June 2019 ay anim na warning shot laban sa Philippine Maritime Patrols ang naitala.

Matatandaang makailang beses na ring nagsampa ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa mga aktibidad ng China sa West Philippines Sea.

Glenda Ramos

More in National News

Latest News

To Top