National News
DFA, patuloy na naka-monitor sa mga Pilipino kasabay ng matinding pagbaha sa South Korea
Inanunsyo ni DFA Spokesperson Teresita Daza na maging sa mga kalapit na lugar tulad ng Incheon at Gyeonggi ay walang mga Pilipinong naiulat na apektado ng pagbaha.
Sa ngayon ay kay Daza Patuloy na sinusubaybayan at inaabot ng ang Filipino community doon sa panahon ng tag-ulan.
“The Embassy continues to monitor and reach out to the Filipino community during this record rainfall, the first in 80 years for Korea,” ani Teresita Daza, Spokesperson, DFA.
Sa huling tala Hindi bababa sa siyam na tao ang nasawi matapos ang halos 16 inches na pag-ulan na humantong sa makasaysayang pagbaha sa Seoul, South Korea, na nagsimula noong Lunes,
at nagbabala ang forecasters doon na may karagdagang 10 pang pulgada ng pag ulan ang maaaring babagsak matapos ng linggong ito.
Dahil dito Iniulat ng Korea Herald na daan-daang katao ang nawalan ng tirahan at daan-daan pa ang napilitang lumikas at humanap ng mas mataas na lugar matapos umapaw ang mga ilog at batis sa kanilang mga pampang
na nagbuhos ng tubig sa mga local streets at highway sa lungsod.