COVID-19 UPDATES
DFA Sec. Locsin, ibibigay ang 75% ng sahod para sa mga ‘No Work, No Pay’ workers ng ahensya
Direktang ibibigay ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Boy Locsin Jr. ang 75% ng kanyang sahod para sa mga ‘No Work, No Pay’ workers ng ahensya.
Sa kanyang Twitter post, kinumpirma ni Locsin at sinabing nais niyang masiguro na sa tamang tao mapupunta ang bawas sa kanyang sweldo.
I'm raising to 75% my salary cut to go directly and only to @DFAPHL no work/no pay workers. I need to know it is going ONLY to the right people. I don't want to learn it's gone to idiots. That will give me a stroke from rage and I won't be able to wield a sledgehammer. @dododulay
— Teddy Locsin Jr. (@teddyboylocsin) April 6, 2020
Dagdag pa ng kalihim na hindi niya nais na malaman na mapunta ito sa mga maling tao at baka ma-stroke pa siya sa galit.
Matatandaang nagpahayag ang mga myembro ng gabinete na ibibigay nila ang 75% ng kanilang sahod para sa pagtugon ng pamahalaan sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).