National News
DFA, tikom pa rin ang bibig hinggil sa diplomatic protest na inihain nito laban sa China
Tikom pa rin ang bibig ng Department of Foreign Affairs hinggil sa panibagong inihaing diplomatic protest ng kagawaran laban sa China kaugnay sa pananatili ng Chinese vessel sa West Philippine Sea.
Bukod pa dito ang mga alegasyon ng patuloy pa rin na panggigipit ng Chinese Coast Guard sa mga Pilipinong mangingisda sa nasabing teritoryo.
Sa mga tanong ng mamamahayag kung pang–ilan na, saan at kailan isinagawa ang nasabing protest ay hindi pa rin ito maipaliwanag ng DFA.
Matatandaan kahapon sa press briefing ay kinumpirma ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang pag hain ng Pilipinas ng diplomatic protest laban sa China
Itoy dahil sa ulat ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa pananatili ng halos 200 Chinese vessels na malapit sa Pag-asa Island simula pa noong buwan ng Enero hangang ngayon ng taong ito.
Ulat ni: Cherry Light