National News
DFA, tutulungang maka-uwi ang mga OFWs sa Hong Kong
Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagbibigay ng tulong sa mga Filipino workers sa Hong Kong.
Kasunod ito ng balitang pagkakatanggal sa trabaho ng ilang OFWs dahil sa pangamba na dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa Twiter post ni DFA Sec. Teodoro Locsin Jr., inaasahan nito na tutulungan ng Chinese government ang pamahalaan sa pagproseso ng mga papeles na kailangan ng mga OFWs para makabalik sa bansa.
Samantala, ikinadismaya naman ng kalihim ang naging tugon ng Hong Kong na tanggalin sa trabaho ang mga OFWs.
Aniya, hindi ito ang kanyang inaasahan lalo pa’t partially lifted na lamang ang ipinatutupad ng philippine government sa Hong Kong at Macau.