National News
DHSUD, nagbabala sa mga scammer na ginagamit ang Pambansang Pabahay
Pinag-iingat ngayon ng ang publiko laban sa mga scammer na ginagamit ang rollout ng para manloko.
Ayon kay Human Settlement Secretary Jose Rizalino Acuzar, na hindi nito kinukunsinte ang ganitong iligal na gawain at handang habulin o sampahan ng kaso ang mga mapapatunayang nananamantala sa housing program.
“At DHSUD, we don’t tolerate any form of graft and corruption. We encourage everyone to report any suspicion against unscrupulous individuals taking advantage of the 4PH Program for their illegal activities,” ayon kay DHSUD, Sec. Jose Rizalino Acuzar.
Hinimok naman ng ahensya na agad i-report ang sinumang makakaranas ng kadudadudang transaksyon ukol dito.
Paglilinaw pa ng kalihim, walang registration o membership fees na kailangang bayaran para sa Pambansang Pabahay Program.
Mas makakabuti aniya na makipag-transaksyon na lamang sa mga lokal na pamahalaan kaugnay ng mga maaaring maging benepisyaryo ng programa.
“Transact only with LGUs with regards to beneficiaries and contractors,” dagdag pa nito.
Bukas naman aniya ang DHSUD sa mga stakeholder na nais makipag-ugnayan patungkol sa programa sa pamamagitan ng 16 regional offices sa buong bansa.
“Don’t engage private individuals or groups to register under 4PH…just proceed to your LGUs, they are the ones in-charge in identifying beneficiaries and selecting contractors.”
He further emphasized “there are no registration or membership fees needed for 4PH,” ani Sec. Jose Rizalino Acuzar.
Sa pinakahuling datos ng DHSUD, umabot na sa 19 groundbreaking ang naisagawa ng ahensya.
Kamakailan lamang ay nagkaroon narin ng groundbreaking patungkol sa programa sa Naga City, Camarines Sur na dinaluhan ni Pangulong Marcos habang 83 naman na memorandum of understanding (MOU) ang nalagdaan katuwang ang mga LGU sa Luzon, Visayas and Mindanao.
