Connect with us

DHSUD, nasa P8.8M pa lang ang nagamit na shelter assistance

DHSUD, nasa P8.8M pa lang ang nagamit na shelter assistance

National News

DHSUD, nasa P8.8M pa lang ang nagamit na shelter assistance

Nasa P8.8M palang mula sa P200M na inilaan para sa shelter assistance tuwing may kalamidad ang nagamit ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Sa pahayag ni DHSUD Usec. Randy Escolango, ang P8.8M ay nagamit para sa ilang fire incidents.

Pinoproseso na rin naman sa ngayon ang request kaugnay sa bagyong Carina na tumama sa bansa noong Hulyo.

Iyon nga lang, wala pang ibinahagi ang DHSUD hinggil sa bagyong Enteng.

Sa shelter assistance ng DHSUD, mabibigyan ng P15K cash assistance ang mga pamilya na nawalan ng bahay dahil sa mga kalamidad.

More in National News

Latest News

To Top