National News
‘Di nakapaloob na service sa PhilHealth package, may add’l charge
Tataasan man ang ilang benefit package ng PhilHealth ay pinapahintulutan ang private medical providers na manghingi ng karagdagang bayad sakaling lagpas na sa minimum standard of service ang hiling ng isang pasyente.
Tanging public medical providers lang ang pinagbabawalang manghingi ng additional charge ayon sa Department of Health (DOH).
Sa ngayon, nakatakdang taasan ng state health insurer ang benefit package sa mga pasyenteng may stage 5 chronic kidney disease.
Mula P4,000 ay magiging P6, 350 na ito sa pampubliko at pampribadong dialysis units.
Ang walong lab tests naman na maaaring i-avail ng isang pasyenteng may stage 5 chronic kidney disease ay complete blood count, serum creatinine, hepatitis profile, alkaline phosphatase, potassium, phosphorus, calcium, serum iron/ferritin/transferrin, total iron binding capacity, at albumin.