National News
DICT, muling nagbabala sa publiko laban sa talamak na text scam
Pinag-iingat ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang publiko laban sa mga kumakalat na mga text scam.
Sa kanilang official Facebook page, nagbigay babala ang ahensya na huwag basta-basta maniwala sa mga natatanggap na text.
Sinabi pa ng DICT, dahil karamihan sa mga text scam ay naglalaman ng mga pangalan na nag-aalok ng mga trabaho, pabuya o pera.
Pagbibigay diin ng ahensya, huwag tumugon sa mga natatanggap na mensahe at sa halip ay baliwalain ang message at i-block ang numero.
Samantala, hinimok naman ng NTC ang publiko na i-report sa kanilang tanggapan ang anumang uri ng text scam.
May dalawang pamamaraan upang gawin ito, una ay mag-submit ng inyong personal na impormasyon gaya ng pangalan, contact number, address, gayundin ang complained cellphone number, maaring i-screenshot ang text scam message at government id issued at ipadala sa [email protected].
Pangalawa ay pupuwedeng i-upload sa ntc.gov.ph, i-click lamang ang Text Scam Complaints button at i-fill out ang Text Scam Complaints Form.
Maaaring tumawag sa NTC’s Consumer Hotline numbers:
NTC’s Consumer Hotline numbers
+632 8920 4464
+632 8926 7722
+632 8921 3251
Calls made to the NTC Consumer Hotline numbers will be entertained from 8:00AM to 5:00PM, Monday to Friday.