National News
DICT, nagtatag ng ‘war room’ para ngayong eleksyon
Itinatag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang isang ‘war room’ kasama ang Commission on Elections (COMELEC).
Ito’y upang bantayan at labanan ang online misinformation at disinformation sa nalalapit na halalan sa Mayo 12, 2025.
Ibig sabihin, magsisilbi itong real-time digital command post para sa pagtuklas, pagpigil, at pagbuwag ng mga maling impormasyon online upang mapangalagaan ang integridad ng eleksyon.
Ang anti-fake news command post ay pamamahalaan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ng DICT.
