Connect with us

DICT, tinututukan ang isyu ng deep fakes at cybercrime bilang paghahanda sa halalan

DICT, tinututukan ang isyu ng deep fakes at cybercrime bilang paghahanda sa halalan

National News

DICT, tinututukan ang isyu ng deep fakes at cybercrime bilang paghahanda sa halalan

Puspusan ngayong tinututukan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagkalat ng deep fakes at cybercrime.

Mahigpit na nagbabala ang DICT laban sa pagkalat ng “deep fake” at iba pang uri ng cybercrime, lalo na ngayong papalapit na ang halalan.

Ayon kay DICT Assistant Secretary at spokesperson Renato Paraiso, ang pangunahing mandato ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), isang ahensya sa ilalim ng DICT, ay ang maagang pag-detect hindi lang ng fake news kundi pati na rin ng tinatawag na “deep fake” na mga manipuladong video at audio mula sa iba’t ibang personalidad, “Malay n’yo baka kayo ‘yung next na ibebenta for Fintech, especially now in the context of the upcoming election. Marami po kaming ini-expect na maglalabasan iyan.”

Binanggit pa ni Asec. Paraiso ang inilunsad na threat monitoring center ng Commission on Elections (COMELEC), katuwang ang CICC, “This is the KKK center together with the NBI, PNP, various civic organizations as well as the social media platforms para bantayan ang mga fake news at mga hacking na maaaring mangyari ngayong election.”

Isinalaysay din ng opisyal ang aktibong hakbang na ginagawa ng CICC action center, “Actively kami magsi-search, may prinocure (procure) kaming mga systems to actively scrub the internet and the platforms for any signs of comelec violations at mga fake news.”

Bukod dito, hinihikayat din ng DICT ang publiko na magsumbong sa action center.

Maaari nilang kontakin ang COMELEC o gamitin ang CICC Action Center hotline na 1326.

Isa sa mga naging hamon ng CICC noon, ayon kay Paraiso, ay ang kakulangan ng tiwala ng taumbayan na nagiging dahilan kung bakit nag-aatubili silang magsumbong kapag sila’y nabibiktima ng panlilinlang online.

Dahil dito, binigyang-diin ng opisyal ang kahalagahan ng muling pagbubuo ng tiwala sa pagitan ng pamahalaan at ng mamamayan.

Sa ganitong paraan, magiging mas madali para sa publiko ang mag-ulat ng mga ilegal na aktibidad sa internet.

Patuloy naman ang panawagan ng DICT sa lahat na maging mapanuri sa bawat impormasyong natatanggap online, at i-report agad ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang integridad ng nalalapit na halalan.

More in National News

Latest News

To Top