Connect with us

Digitalization sa mga serbisyo, pangunahing prayoridad ng SSS

Digitalization sa mga serbisyo, pangunahing prayoridad ng SSS

National News

Digitalization sa mga serbisyo, pangunahing prayoridad ng SSS

Sinisiguro ng pamunuan ng Social Security System (SSS) na nasa top priority nila ang digitalized na paghahatid ng serbisyo.

Ayon kay SSS president and CEO Michael Regino, na patuloy nilang tututukan ang digitalization hanggang sa mga susunod pang mga taon.

Pagbibigay diin pa nito na naging bagong normal na, lalo na ngayong panahon ng pandemya dala ng COVID-19, kaya plano nilang dagdagan pa ang kanilang mga online services.

“In 2021, out of the 52.62 million transactions we received, excluding inquiries, 43.52 million or 82.7% were made using our online channels,” ani Michael Regino, President and CEO ng Social Security System.

Dagdag pa ng pinuno ng SSS, mayroon silang 30 member services at over 20 employer services na maaaring maaccess sa pamamagitan ng My.SSS Portal.

“Since the My.SSS Portal is our main online channel, almost all of the new online services are made available here first. However, intensified efforts are also put towards making the services in this portal accessible in the SSS Mobile App for smartphone users,” dagdag pa nito.

Maaaring makapag-avail o maka-inquire sa mga serbisyo ng SSS sa halos lahat ng online platform gaya ng sa kanilang website, FB page, Twitter account, Instagram, Youtube at maging sa viber.

More in National News

Latest News

To Top