Connect with us

DILG at PNP, sunud-sunod ang paglabag vs Pastor ACQ

DILG at PNP, sunud-sunod ang paglabag vs Pastor ACQ

Kingdom News

DILG at PNP, sunud-sunod ang paglabag vs Pastor ACQ

Tila nahaharap sa malaking hamon ngayon ang Philippine National Police (PNP) matapos ianunsiyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang milyun milyong pisong pabuya para sa makapagtuturo sa kinaroroonan ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Halos ma-overload kasi ang kanilang PNP hotline sa dami ng mga impormasyong tinatanggap na nagsasabing ‘alam’ nila kung nasaan sina Pastor Apollo.

Karamihan kasi sa mga dumarating na impormasyon ay mali o kung hindi man ay kailangan pa nilang i-validate para matiyak na hindi lang nanloloko ang ‘tipster’.

Matatandaang, ipinagmalaki pa ni Benhur Abalos at ng PNP ang suporta mula sa pribadong indibidwal para sa ikadarakip sa butihing pastor.

Sa kabila ng puna ng Kingdom of Jesus Christ o KOJC legal team ay ayaw pa ring paawat ni Abalos sa kanyang paninindigan na walang mali sa kanilang ginawa habang.

Ani Atty. Israelito Torreon ang legal counsel ng KOJC, “Baka nakulangan lang ng reaserch si Sec. Abalos, nakasulat sa Section70 ng RA 6713, swak na swak talaga siya, because whatever may be your intention, it may be motivated by good faith or whatever you cannot accept private donations in order to make the life of another person miserable eve if it is for a legal purpose.”

Kapansin-pansin naman ang sunud-sunod na kapalpakan ng PNP sa mga hakbang nito sa paghahabol kay Pastor Apollo.

Hindi ba’t ilegal na sinalakay ng mga armadong kapulisan ang KOJC religious compounds sa Davao City at Sarangani Province nitong Hunyo 10, 2024 kahit pa wala silang dalang search warrant?

Ang mga bayolenteng pulis ay nanira ng mga ari-arian at nanakit pa ng mga walang kalaban labang misyunaryo ng simbahan.

Matindi naman ang trauma at pagkabalisa sa mga kabataan at matatanda.

Ang masaklap pa dito ay nasawi ang dalawang miyembro ng Blaan community dahil sa dinanas na kaharahasan sa mga lumusob na pulis.

Tapos heto na naman ngayon ang iresponsableng pagtanggap ni Abalos ng umano’y donasyon mula sa mga pribadong indibidwal na tinawag niyang ‘friends’.

Ang P10 milyong donasyon na ginawang pabuya para madakip si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Kamakailan lang ay nagsinungaling din ang pulisya nang itanggi nitong dinakip nila si Paulene Canada na kapwa akusado ni Pastor Apollo. Ngunit hindi ito maitanggi ng pulisya dahil nakuhanan ng video ang pagdukot kay Canada.

Ang lahat ng ito ay malinaw na bahagi ng patuloy na panggigipit at paninikil sa karapatan ni Pastor Apollo at sa KoJC.

More in Kingdom News

Latest News

To Top