Connect with us

DILG, binalaan ang sinumang opisyal ng PNP na madadawit sa EJK

DILG, binalaan ang sinumang opisyal ng PNP na madadawit sa EJK

National News

DILG, binalaan ang sinumang opisyal ng PNP na madadawit sa EJK

Nilinaw ng bagong Interior Secretary Jonvic Remulla na walang extra judicial killing (EJK) issue sa kanilang kampanya kontra ilegal na droga sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Bagamat wala naman itong binanggit na pagkukumpara sa nakaraang administrasyon na nahaharap sa alegasyon ng umano’y malawakang paglabag sa karapatang pantao habang ipinatutupad ang war on drugs.

Ang tiniyak lang ni Remulla ay hindi niya nakikita sa kanyang termino ang usapin ng EJK.

Ngayon palang, binalaan na ng bagong kalihim ang mga pulis na masasangkot sa anumang uri ng pag-abuso sa kanilang kapangyarihan habang ipinatutupad ang kampanya laban sa ilegal na droga.

Ani Remulla, walang special treatment sa mga ito at may kalalagyan ang sinumang opisyal ng Philippine National Police (PNP) na masasangkot sa EJK.

“There are no sacred cows in this institution and in this investigation.

Anyone who is found guilty will be treated like any other and treated as such.

There will be no special treatment. They will not be accorded special privileges.

Everyone will face the full consequence of the law and the full powers of the PNP and all the institutions of the DILG.”

Nauna nang inamin ng kalihim na hindi pa tapos ang laban ng gobyerno kontra ilegal na droga hanggang buhay pa’t nagpapatuloy ang kalakaran nito sa bansa

Sa ngayon, todo-bantay ang kapulisan sa problema ng ilegal na droga lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan at papalapit na eleksiyon kung saan talamak anila ang bentahan nito na ginagamit rin para pondohan ang pangangampanya ng mga politiko.

 

More in National News

Latest News

To Top