Connect with us

DILG chief, walang kikilaning kamag-anak o kaibigan sa pagpapatupad ng batas

DILG chief, walang kikilaning kamag-anak o kaibigan sa pagpapatupad ng batas

National News

DILG chief, walang kikilaning kamag-anak o kaibigan sa pagpapatupad ng batas

Tiniyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. na wala silang sasantuhin pagdating sa pagpapatupad ng batas.

Ito’y matapos na maaresto ang nagpakilalang pamangkin ng kalihim dahil sa pag-ooperate ng colorum na sasakyan.

Kinilala ang naaresto na si Jaz Abalos na nagpakilalang pamangkin umano ng DILG chief sa isang entrapment operation sa Araneta Avenue, Cubao nitong Huwebes, Abril 11.

Napag-alaman na naniningil ang van na pagmamay-ari umano ng nagpakilalang pamangkin ni Abalos ng P200 pamasahe para magpahatid mula Quezon City patungo ng Laguna.

Kaugnay nito agad na inatasan ng kalihim ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para magsagawa ng operasyon.

Maliban sa nagpakilalang Jaz Abalos, arestado rin ang driver ng van na nakilalang si Antonio Mirasol na nagpakita pa ng pekeng lisensya.

More in National News

Latest News

To Top