Connect with us

DILG, hindi kinikilala ang EO ni Cebu Gov. Garcia na gawing opsyonal ang pagsusuot ng face mask

Hindi kinikilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang inilabas na executive order ni Cebu Governor Gwen Garcia

National News

DILG, hindi kinikilala ang EO ni Cebu Gov. Garcia na gawing opsyonal ang pagsusuot ng face mask

Hindi kinikilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang inilabas na executive order ni Cebu Governor Gwen Garcia na opsyonal na lamang ang pagsusuot ng face mask sa mga outdoor areas sa probinsya.

Sa isang pahayag, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na patuloy na kokomprontahin, huhulihin at aarestuhin kung kinakailangan ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng lalabag sa minimum public health standards (MPHS) at guidelines ng Inter-Agency Task Force sa Cebu.

Ayon kay Año, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na patuloy na magsuot ng facemask maliban na lamang sa mga sitwasyon na tinukoy ng IARF.

Sa kasalukuyang protocol ng IATF, pinapayagan lamang ang pag-alis ng face-mask sa ilang specific instances gaya kapag kakain o sa ilang partikular na sports at aktibidad na well-ventilated.

Nagpaalala rin ang DILG sa publiko at sa lahat ng local government units na nanatili pa rin ang COVID-19 virus at hindi pa tapos ang pandemya.

More in National News

Latest News

To Top