National News
DILG, hinimok ang LGUs na higpitan pa ang pagpapatupad ng health protocols
Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na higpitan pa ang pagpapatupad ng minimum public health standards (MPHS) at palakasin ang bakunahan kontra COVID-19 kabilang ang booster shot.
Ang hakbang ay kasunod na rin ng pagkakakumpirma sa 14 na kaso ng omicron variant sa bansa.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, dapat paalalahanan ng mga LGU ang kanilang mga residente na patuloy na sumunod sa minimun protocols upang maiwasan ang posibleng community transmission ng omicron variant.
Pinayuhan din ni Año ang mga LGUs na palakasin ang kanilang Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) Strategies.
Dagdag pa ni Año, maari din magsagawa ang mga LGU ng house to house vaccination para sa mga senaior citizen at persons with comorbidities at makipagtulungan sa mga civil society organizations o pribadong sektor para sa ganitong community level interventions.