Connect with us

DILG, inatasan ang PNP na bumuo ng tracker team sa pagaresto ng mga presong napalaya ng GCTA

GCTA

National News

DILG, inatasan ang PNP na bumuo ng tracker team sa pagaresto ng mga presong napalaya ng GCTA

INATASAN na ng Department Of The Interior And Local Government Ang Philippine National Police na bumuo ng isang tracker team upang muling hulihin ang mga nakalayang preso dahil sa Good Conduct Time Allowance.

Nakasaad sa pahayag na inilabas ng DILG ngayong araw na kailangang maibalik sa kulungan ang mga nakalayang convict sa loob na labing limang araw alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hinimok din ng ahensiya ang mga layang preso na nakagawa ng Henious Crimes na sumuko na agad sa mga pinakamalapit na Police Station upang maiwasan na ang malaking problema.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang PNP sa Bureau of Corrections para sa listahan mga preso na kabilang sa Presidential Directive.

Humingi na din ng request ang Dilg sa Department Of Justice na ilagay na sa Immigaration Watch List ang mga layang convict para hindi na makalabas ng Bansa ang mga ito.

DZAR1026

More in National News

Latest News

To Top