Connect with us

DILG, ipinag-utos ang masusing imbestigasyon sa Calaoocan City Jail riot

DILG, ipinag-utos ang masusing imbestigasyon sa Calaoocan City Jail riot

Metro News

DILG, ipinag-utos ang masusing imbestigasyon sa Calaoocan City Jail riot

Masusing pinaiimbestigahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) national headquarters ang nangyaring riot sa loob ng Caloocan City Jail.

Ayon kay DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, inatasan na ni Secretary Eduardo Año si BJMP Chief Jail Director Allan Iral na bumuo ng special investigating team mula sa BJMP national headquarters.

Ito ay para matukoy ang dahilan ng riot at mga responsable dito at kung may paglabag sa standard operating procedures at para magrekumenda ng interventions para matiyak na hindi na mauulit ang insidente.

Sinabi ni Malaya na kukunin nila ang mga testimonya ng mga jail officer on duty at ang iba pang testigo kasama ang CCTV footage para malaman ang puno’t-dulo ng insidente.

Matatandaang 6 na persons deprived of liberty (PDLs) ang nasawi sa riot at 33 na iba pa ang nasugatan.

Sa ngayon, umaapela ang DILG sa Caloocan City government na bilisan ang donasyon ng lote para sa bagong city jail.

More in Metro News

Latest News

To Top