National News
DILG, ipinag-utos sa mga LGU na tutukan ang contact tracing sa COVID-19 carriers
Nagbigay ng direktiba ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng lokal na pamahalaan sa bansa na ituon din ang kanilang pansin sa pagsasagawa ng contact tracing sa mga posibleng carriers ng .
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang main focus ng LGU sa mga possible carriers ay ang DITR steps o ang pag-detect, isolate, treat, at reintegrate.
Giit pa ni Año, ang contact tracing ang mabisang panlaban ngayon sa nakamamatay na virus sa gitna ng kawalan pa ng gamot at bakuna laban dito.
Inabisuhan din ng DILG ang mga LGU na dagdagan ang bilang ng contact tracing teams (CTTs) para isagawa ang kanilang trabaho sa lahat ng mga taong napag-alamang na-expose sa mga pasyente ng COVID-19.
Imomonitor din ng mga nasabing team ang estado ng suspect at probable covid-19 cases maging ang mga myembro ng pamilya na natukoy na nakasalamuha ng may kumpirmadong kaso ng virus, upang mapigilan ang pagkalat pa nito.