Connect with us

DILG, maghihigpit ng monitoring sa umiiral na price cap sa bigas

DILG, maghihigpit ng monitoring sa umiiral na price cap sa bigas

National News

DILG, maghihigpit ng monitoring sa umiiral na price cap sa bigas

Personal na nananawagan ng pagtalima ng publiko si Interior Secretary Benhur Abalos kaugnay sa implementasyon ng price cap sa lahat ng regular milled rice sa ₱41/kg at well-milled rice sa ₱45/kg sa buong bansa sa ilalim ng Executive Order (EO) 39 na inisyu ng Malacañang.

Katuwang aniya ang Department of Traide and Industry (DTI), hinihimok ni Abalos ang lahat ng resellers na makiisa muna sa nasabing kautusan sa pansamantalang panahon.

Tiniyak ni Abalos na hakbang ito ng pamahalaan na matiyak na makabibili at makikinabang rito ang lahat ng Pilipino sa murang halaga ng bigas.

Para naman sa mga tatamaang retailers, nangako ang pamahalaan na tutulungan ang mga ito na makarekober hanggang sa maging matatag ang merkado ng bigas sa bansa.

Tiniyak rin ng pamahalaan ang maayos at sapat na suplay ng bigas sa buong bansa para matulungang makaahon nag lahat ng Pilipino dulot ng mataas na presyo ng bilihin sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top