Connect with us

DILG, magtatalaga ng assistance desks para sa mga OFWs

National News

DILG, magtatalaga ng assistance desks para sa mga OFWs

Magtatayo ang lahat ng DILG- Regional Offices ng assistance desks para sa mga pangangailangan ng mga OFWs na kakabalik sa bansa dahil sa banta ng .

Sa press briefing, sinabi ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na marami silang natanggap na ulat tungkol sa mga OFWs na pinagbabawalan na makapasok sa kanilang mga komunidad.

Ang iba pa ay pinagbabawalan rin na pumunta sa itinalagang health facilities nito para sumailalim sa 14-day quarantine.

Dahil dito, inilabas ng DILG ang Memorandum Circular No. 2020-075 na nag-uutos sa lahat ng mga regional directors nito na magtalaga ng assistance officer sa kani-kanilang munisipalidad para sa mga OFWs.

Ani Año, sa pamamagitan ng pagtatalaga ng desk officer, may nangangasiwa na sa lahat ng pangangailangan ng mga OFWs at maiiwasan na ang nasabing insidente.

More in National News

Latest News

To Top