Uncategorized
DILG, nagbabala sa pagpapa-photocopy ng SA forms mula sa DSWD
Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) laban sa unauthorized reproduction ng Social Amelioration cards para sa Bayanihan Fund Cash Subsidy sa mga poorest of the poor na apektado ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay DILG spokesperson and Undersecretary Jonathan Malaya, ang Social Amelioration forms ay hindi dapat xeroxed o duplicated
Dahil nakapre-numbered at barcoded ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Iginiit ni Malaya na hindi for sale ang SAC form at lalong hindi for reproduction maging ng local government units (LGUs) o sinumang indibiduwal o grupo.
DILG warns against photocopying of social amelioration forms from the DSWD https://bit.ly/2Vtxz00#DILGLumalabanSaCovid#WeHealAsOne#BeatCOVID19
Posted by DILG Philippines on Thursday, 16 April 2020
Ang mahuhuli aniya na nagpapaphotocopy ng SAC forms ay pananagutin sa batas.
Sinabi ni Malaya na kasabay ng pagpapabilis ng pamamahagi ng ayuda mula sa Social Amelioration Program ay ang pagtitiyak na makakarating ito sa mahihirap at hindi sa bulsa ng mga tiwali at mapagsamantala.
Binigyaan-diin din ng DILG na hindi dapat maglagay ng anumang uri ng signage ang mga LGU na nagke-credit sa sinumang local government officials sa pamimigay ng anuman sa Social Amelioration measures.
