Connect with us

DILG, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima sa naganap na Ateneo shooting incident

Pinaghahanap na ng Lamitan City Police ang mga suspek sa pagpatay sa ama ni Dr. Chao-Tiao Yumol na sangkot sa pamamaril sa Ateneo de Manila University sa Quezon City.

National News

DILG, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima sa naganap na Ateneo shooting incident

Mariing kinundena ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang naganap na shooting incident sa harap ng gate 3 ng Ateneo de Manila University sa Quezon City kung saan tatlo ang nasawi.

Sa isang pahayag, taos-pusong nakikiramay ang DILG sa pamilya ng mga biktima sa insidente.

Kasabay nito, siniguro ng DILG sa mga ito na palalakasin nila ang kaso laban sa suspek, sasampahan ng mga kinakailangang kaso, at sisiguraduhin na makukulong ang suspek na kinilalang si Chao Tiao Yumul.

Pinuri naman ng DILG ang PNP Quezon City police district at ang Anonas police station sa kanilang mabilis na aksyon na nagresulta sa agarang pagkakaaresto sa suspek.

Kahapon kabilang sa napatay sa shooting incident sa tapat ng Arete building sa loob ng campus si dating Lamitan City, Basilan, Mayor Rose Furigay, ang kanyang aide na si Victor Capistrano at University guard Jeneven Bandiala.

More in National News

Latest News

To Top