National News
DILG, pabor na paluwagin ang mga kulungan sa gitna ng COVID-19 crisis
Suportado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Korte Suprema sa desisyon nitong paluwagin ang mga bilangguan dahil sa COVID-19 crisis.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, pabor siya sa inilabas na Administrative Circular No. 38-2020 ng Korte Suprema hinggil sa pagpapalaya sa ilang inmates na pasok sa inilabas na guidelines.
Alinsunod din ito sa mahigpit na pagpapatupad ng quarantine protocols, partikular na sa patakaran ng physical distancing.
Sinabi rin nito na malaking tulong ito lalo na sa mga mahihirap at matatandang nakapiit upang mabigyan sila ng pagkakataong makapiling muli ang kanilang mga mahal sa buhay.
Malaking ginhawa din aniya sa tauhan sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections (BUCOR) dahil mababawasan ang kanilang mga alalahanin sa gitna ng banta ng .