Connect with us

DILG, pinaalalahanan ang LGUs na bumuo ng kani-kanilang LGTT hanggang April 7, 2022

DILG, pinaalalahanan ang LGUs na bumuo ng kani-kanilang LGTT hanggang April 7, 2022

National News

DILG, pinaalalahanan ang LGUs na bumuo ng kani-kanilang LGTT hanggang April 7, 2022

Pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng incumbent governors at mayors ng Local Government Units (LGU) na bumuo ng kani-kanilang local governance transition team (LGTT) hanggang sa Abril 7, 2022.

Ito ay para sa maayos na pagsasalin ng responsibilidad bago ang 2022 national and local elections.

Sa isang pahayag, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año, ang lahat ng assests, records at dokumento ng LGUs ay dapat maayos na maisalin sa mga susunod na mga maihahalal na opisyal para masiguro ang tuloy-tuloy na pagtatrabaho at programa ng gobyerno.

Ayon kay Año, ang LGTT ay bubuuin ng local chief executives (LCE) bilang chairperson habang miyembro naman ng transition team ang mga department head ng LGUs, mga kinatawan mula sa DILG at secretary ng Local Sanggunian.

Dapat din aniyang may isang kinatawan mula sa Civil Society Organization (CSO) o People’s Organization (PO).

Samantala, sinabi ng kalihim na ihahalal ang vice-chairperson ng transition team mula sa mga miyembro.

More in National News

Latest News

To Top