National News
DILG, pinatitiyak ang kaligtasan ng mga deboto ngayong Holy Week
Para maging ligtas ang pagdaraos ng Holy Week, inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Lokal na Pamahalaan, Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) na gawin ang mandato nito partikular na sa mga dadagsang debotong Pilipino.
Ayon sa inilabas na memorandum circular ng DILG, ipinag-utos nito sa lahat ng LGUs sa bansa na pulungin ang Local Peace and Order Council, local Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) sa mga contingency measure, partikular na ang pagbibigay ng sapat, maaasahan at ligtas na transportasyon, emergency medical services, atbp.
Para naman maiwasan ang mga insidente ng krimen, hinimok at pinaghahanda rin nito ang iba pang force multiplier sa mga critical areas gaya ng mga national at local road, crime-prone areas o hotspot, transport hubs, simbahan, at iba pang pampublikong lugar.
