Connect with us

DILG, pinayuhan ang mga LGU na hikayatin ang mga nasasakupan na magpabakuna dahil sa Omicron BA.4

Ipinag-utos na ng Bureau of Customs (BOC) na imbestigahan ang mga personnel nitong sangkot sa smuggling ng agricultural products.

National News

DILG, pinayuhan ang mga LGU na hikayatin ang mga nasasakupan na magpabakuna dahil sa Omicron BA.4

Inatasan ng Department Of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng mga lokal na pamahalaan na hikayatin ang lahat ng kanilang mga nasasakupan na magpabakuna na kontra COVID-19 at magpaturok nang booter shots.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, nakapasok na sa bansa ang Omicron BA.4 subvariant kaya ito ay banta sa kalusugan ng publiko.

Maaaring mahawaan pa rin aniya ng Omicron BA.4 subvariant ang mga taong nabakunahan na at mga gumaling na sa COVID-19.

Dagdag pa ni Sec. Año, dapat mas i-maximize pa ng mga LGU ang kanilang mga resources para mahikayat ang mga nasasakupan na magpabakuna at magpaturok na ng booster shots.

Saad pa ni Sec. Año, pwedeng magsagawa ng house to house kung kinakailangan para maabot ang mga taong hindi pa nababakunahan.

More in National News

Latest News

To Top