Connect with us

DILG sa mga local chief executives sa CALABARZON: ‘Huwag magpakakampante kahit nasa alert level 3 ang Taal’

Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na hindi pa rin dapat maging kampante ang lahat kahit binaba na ang alerto dahil hindi pa tapos ang krisis.

National News

DILG sa mga local chief executives sa CALABARZON: ‘Huwag magpakakampante kahit nasa alert level 3 ang Taal’

Sa kabila ng pagbaba sa alert evel 3 sa Bulkang Taal, hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga residente at local chief executives sa CALABARZON na manatiling handa at alisto para sa anumang volcanic activity.

Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na hindi pa rin dapat maging kampante ang lahat kahit binaba na ang alerto dahil hindi pa tapos ang krisis.

Ayon kay Año, nanatiling naka-lockdown ang mga komunidad na malapit sa Taal Lake, kanluran ng Taal Volcano Island at ang nasa loob ng 7-kilometer radius mula sa main crater ng bulkan.

Habang ang mga residente aniya na nasa labas ng 7km danger zone ay maari nang bumalik sa kani-kanilang bahay basta may clearance mula sa local government unit.

Gayunman, dapat aniyang maging handa ang mga residente sa muling paglikas sakaling itaas muli sa alert level 4 ang bulkan.

Sinabi rin ni Año na dapat gamitin ang pananahimik ng Taal para mas lalo pang pagbutihin ang paghahanda at siguruhing kompleto at sapat ang mga resources ng pamahalaan para na rin sa kapakanan ng mga apektadong residente.

Inatasan naman ng kalihim ang local chief executives na suriin ang mga lugar sa labas ng 7km danger zone sa pinsala, road accessibility at iba pang secondary hazards.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa 400,000 indibidwal mula Batangas, Quezon, Laguna at Cavite ang apektado simula ng mag-alburuto ang bulkan noong Enero 12.

More in National News

Latest News

To Top