Connect with us

DILG sa PNP: Higpitan ang pagbabantay vs ilegal na droga sa Pilipinas

DILG sa PNP: Higpitan ang pagbabantay vs ilegal na droga sa Pilipinas

National News

DILG sa PNP: Higpitan ang pagbabantay vs ilegal na droga sa Pilipinas

Mas hihigpitan pa ngayon ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Interior and Local Government Unit (DILG) at Philippine National Police (PNP) ang kanilang pagmamanman kontra ilegal na droga.

Sa kanyang kauna-unahang pagharap sa media, aminado ang bagong interior and local government chief Juanito Victor Remulla na hindi madali ang paglaban sa ilegal na droga.

Sa kabila aniya ng magandang rekord ng pamahalaan at PNP sa illegal drugs operations nito, hindi pa rin siya kampante dahil sa tumataas na kaso ng suplay dito.

Dahilan din kung bakit hindi rin aniya matapos-tapos ang problema ng iligal na droga.

Kaya naman utos niya ngayon sa PNP, pag-aralan ang mas mahigpit pa na pagbabantay sa suplay at demand ng iligal na droga sa bansa.

“The PNP has done very well on the demand side. Drug cases are up. They have seized a record number of drugs in terms of gross amount in the last 2 years, but we have to concentrate also on the supply side. I think the supply side and the demand side have to be tackled at the same time.”

Sa ulat ng PNP Drug Enforcement Group, napapansin umano nila na tuwing kapaskuhan at nalalapit ang eleksyon ay tumataas ang suplay at demand sa mga ilegal na droga.

Sa katunayan, batay umano sa kanilang mga nakalap na impormasyon, may mga papasok pang ilegal na droga sa bansa at posible anilang magamit ito ng ilang politiko para pondohan ang kanilang kampanya sa 2025 midterm elections.

Para kay Remulla, mahalaga talaga aniya na palakasin ng kanilang ahensiya ang ugnayan sa local government units at mga pulis para maaksyunan agad ang mga isyu at walang makalulusot hindi lang sa kriminalidad pati na rin sa ilegal na droga.

“I think Gen. Marbil can fill you up but I gave them a general directive of what we need to do in the next 3 years especially with capital outlay, with response time, with relations with LGUs and the COPs, investments into making the police force better. Mostly that’s it.”

Batay sa pinakahuling datos ng PNP sa kanilang laban kontra ilegal na droga, nakapagtala ang Marcos Administration ng halos P14 bilyong halaga ng nakumpiskang ipinagbabawal na gamot kung saan pinamalaki rito ang shabu at sinundan ng Marijuana.

Isa sa may pinakamalaking kontribusyon dito ang nasabat na mahigit 13 bilyon pisong halaga ng shabu sa Alitagtag, Batangas nitong Abril ng kasalukuyang taon.

Sa kasamaang palad, tanging ang driver lang ng van na pinagsidlan ng mga droga ang nahuli ng mga awtoridad at hanggang ngayon nananatiling nasa pangangalap pa rin ng dagdag na ebidensiya ang mga pulis kung sino nga ba ang nasa likod ng malaking bulto ng ilegal na droga na ito.

More in National News

Latest News

To Top