National News
DILG Sec. Año: Tigilan na ang fake news kaugnay ng sitwasyon sa Bulkang Taal
Ipinanawagan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa publiko na tigilan na ang pagpapakalat ng fake news kaugnay ng sitwasyon sa .
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Año na mainam na makinig lamang sa impormasyon mula sa official sources.
Ayon sa kalihim, walang katotohanan ang kumakalat na balita na ibinaba na ang alerto sa Bulkang Taal na ngayon ay nasa alert level 4 pa rin.
Iginiit ni Año na posibleng magdulot ng kapahamakan sa ilan na makakatanggap ng maling impormasyon ang nasabing balita.
Dagdag pa ni Año na maituturing na isa sa mapanganib na bulkan ang Taal lalo na ng huli itong sumabog na nag-iwan ng maraming patay.