Connect with us

Diplomasya, dapat manatiling hakbang ng pamahalaan kaugnay sa WPS issue – Pastor ACQ

Diplomasya, dapat manatiling hakbang ng pamahalaan kaugnay sa WPS issue – Pastor ACQ

Kingdom News

Diplomasya, dapat manatiling hakbang ng pamahalaan kaugnay sa WPS issue – Pastor ACQ

Hindi patigasan kundi sa pamamagitqn ng tuloy-tuloy na diplomasya ang nais ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa paghawak ng administrasyong Marcos sa isyu sa agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang solusyon na nais ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ sa gitna ng patuloy na tensyon sa WPS.

Magugunitang kamakailan lamang at naglabas ang China Ministry of Natural Resources kamakailan ng Bagong “10-dash line” map kung saan sakop na ang WPS at Taiwan.

Sa ekslusibong panayam ng SMNI News nitong Linggo sa butihing pastor, hinangaan nito ang ginawa noon ng dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pakikipagkaibigan sa China.

Kaya naman ngayon aniya, nananatiling mataas pa rin ang respeto ng China kay PRRD.

“So, if you got the trust of your enemy like that. Ganun kataas ang paningin nila sa iyo. Pag nakuha mo na yun tulad ng ibang kaharian, friend na sila. Ask even half of my kingdom I will give to you,” ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Malaking bagay ani Pastor Apollo na magkaroon ng kaalaman hinggil sa diplomatic relationship ang isang lider para maresolba ang mga problema sa pinag-aagawang teritoryo.

“Yun ang nakita ko sa human relationship din. Because even this nation is so powerful, they are still human. There are still human beings. You can still befriend them,” dagdag pa ng butihing pastor.

Isa sa mga halimbawa aniya ng matagumpay na pag-uusap o diplomasya ay ang ginawa ni dating First Lady Imelda Marcos na personal na nagpunta noon sa Libya upang humingi ng tulong kay nooy Libyan leader Moammar Gaddafi para sa peace negotiations kasama ang Moro National Liberation Front (MNLF).

“Also, with First Lady Imelda Marcos with the MNLF subversion group where at their height talagang gulo. Giyera sa Mindanao. She went and persuade Gaddafi. Gaddafi talagang matigas. Ayaw talagang makipagkita sa kanila. Ayaw. But the First Lady humbled herself. Kung ano pinagawa sa kanya ginawa niya.”

“Nakuha ngayon ang puso ni Gaddafi. Kung ano hiningi ni First Lady, yun ang ibinigay. Pinersuade niya ang MNLF na makipag-peace.”

“Pero kung patigasan eh naku, billions ang sina-siphon ni Gaddafi sa MNLF para guluhin tayo dito,” ani Pastor Apollo,”

Magugunitang sa resulta ng Tugon ng Masa nationwide survey ng OCTA Research Group noong Hulyo 22-Hulyo 26, Mayorya o nasa 70% ng mga Pilipino ang nagnanais ng mapayapang paraan sa paghawak ng administrasyong Marcos sa isyu sa agawan sa teritoryo sa WPS.

More in Kingdom News

Latest News

To Top