Connect with us

Direksyon ng relasyon ng China at Pilipinas, nakasalalay sa magiging hakbang ni PBBM – IDSI

Direksyon ng relasyon ng China at Pilipinas, nakasalalay sa magiging hakbang ni PBBM – IDSI

National News

Direksyon ng relasyon ng China at Pilipinas, nakasalalay sa magiging hakbang ni PBBM – IDSI

Nakasalalay sa magiging hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magiging direksyon ng relasyon ng China at Pilipinas.

Ito ang sagot ni Mr. George Siy, Director ng sa naging tanong kung ano ang magiging direksyon ng Philippine-China relationship sa gitna ng muling pagkahalal kay President Xi Jinping sa ikatlong termino bilang pangulo ng China.

Sa panig ng China, ani Siy, malinaw ang direksyon nito para sa magandang ugnayan pagdating sa negosyo at kalakalan.

“Ang direksyon ng relation from the view point of china and the philippines, siguro ang makaka-determine n’yan ay ang Pilipinas, because the china is very clear on their direction, they want to have a better relations between the people, business and in trade,” ani Director, IDSI, George Siy.

Subalit, ani Siy, kapag panay na ang pagpanig ng Philippine government sa mga hakbang ng Estados Unidos ay maaring magbago ang palagay o tingin ng China sa pakikipag-ugnayan sa Pilipinas.

“That is assuming of course na the status quo is maintain na wala masyado nag iiba. Kapag tayo ay naging, ah masyado ang pagdagdag ng ating magiging sides ng US, tulad ng pagdagdag ng bases ng militar, ang mangyayari dito syempre, they would have second thoughts about the type of relationship we have and investments. they would not stop trading with us, they will not stop supporting us or financing something. But maybe some of the investments might not be as strong,” dagdag pa nito.

Samantala, inilahad pa ng IDSI head na dapat mag ingat ang Pilipinas sa mga hakbang ng US lalo’t nagkakaroon ng gulo saan mang bansa ito magtungo.

Ipinunto rito ng geopolitical expert ang posibleng dulot ng balak ng Estados Unidos na magdagdag ng military bases sa Pilipinas sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

“But we have seen how the US, everywhere they go ay nagkakaroon ng giyera o instability. So kailangan mag ingat tayo kasi ito ay nangyari sa ilang bansa na, sa Iraq, Sa Libya, sa Syria, sa Ukrain. Ngayon kung saan man pumunta sila ay humahanap sila ng mga dahilan na makiaway ang mga tao o dati nilang kasama o kaibigan, ito ay dapat nating iwasan kasi pagdating ng oras na yan, then the Philippines and China relationship then it is possibly adversarial already,” ayon kay Director, George Siy.

Gayunpaman, sinabi ni Siy na nasa kay Pangulong Marcos na rin ang desisyon lalo’t tiyak aniya na maraming ikinokonsidera ang punong ehekutibo sa usaping ito.

“Well it’s up to the president, iniiwan natin, dahil marami Im sure BBM has a lot of considerations na hindi natin alam. Pero it is not depending on China. The relationship depends on the decision of the Philippine which should be decisions by Filipinos for Filipinos, and not for the interest of the Americans,” saad pa nito.

More in National News

Latest News

To Top