Connect with us

Direktang pagbili sa mga magsasaka ng pang-ayuda sa apektado ng ECQ, ipinanukala ng isang senador

Ipinayo ni Sen. Kiko Pangilinan sa  mga LGU)  na bumili sa mga local farmers o magsasaka at mangigisda para sa mga foodpacks o pagkain na ipamimigay

National News

Direktang pagbili sa mga magsasaka ng pang-ayuda sa apektado ng ECQ, ipinanukala ng isang senador

Ipinayo ni Sen. Kiko Pangilinan sa  mga Local Government Unit (LGU)  na bumili sa mga local farmers o magsasaka at mangigisda para sa mga foodpacks o pagkain na ipamimigay sa mga apektadong pamilya ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ito aniya ay kung ‘In Kind’ ang ibibigay na ayuda sa mga mahihirap na pamilya habang umiiral ang pinakamahigpit na quarantine status sa NCR Plus.

Kamakailan ay sinabi ng Department of Budget and Management na sa oras na maibigay ang tulong pinansyal sa mga LGU ay ito na ang bahala na magdedesisyon kung pera o in kind o mga foodpacks ang ipamamahagi sa mga mahihirap na residente.

Ayon kay Pangilinan mas mainam na ituloy ang dating ginagawa ng gobyerno sa mga nakaraang lockdown na bumibili ng bigas at iba pang pagkain sa mga magsasaka sa tamang presyo.

Ani Sen. Kiko Pangilinan,”Let the Departments of Agriculture, Social Welfare and Development, Interior and Local Government, and local government units buy rice and other food items at fair market prices so that our farmers and fisherfolk would also earn.”

Punto pa ng senador,  ang direktang pagbili ng mga produkto sa mga magsasaka at mangingisda para matiyak ang suplay ng pagkain sa lahat ng sektor ay nakapaloob din naman  sa 2021 General Appropriation Act, Sec. 22 para makadagdagdag ito ng kikitain sa mga magsasaka at mangigisda alinsunod sa RA No. 11321 o Sagip Saka Act.

Dahil dito, ang mga ahensya aniya ng gobyerno tulad ng DA, DSWD, DepEd, DOH, DILG, at mga LGUs ay kailangng i-adopt ang ganitong panuntunan sa tuwing magkakaroon ng feeding programs, relief operations, rice subsidy at iba pa.

“Gamit ang Sagip Saka formula, panalo ang lahat. Merong access ang gobyerno sa pagkain, ang mga magsasaka at mangingisda ay kikita, at ang taumbayang naka-lockdown ay hindi magugutom,” saad pa ng senador.

Dagdag pa ng senador ₱41-B ang nakalaan sa 2021 national budget para sa feeding and rice subsidy programs ng pamahalaan.

Sa pamamagitan din aniya nito ay mas lalong mahihikayat ang mga magsasaka na patuloy na mag tanim.

May posibilidad naman na ma-extend pa ang ECQ matapos irekomenda ng DOH na pahabain pa ang lockdown para sa pagkontrol ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

More in National News

Latest News

To Top