National News
Disaster response ng BFP, pinalakas pa
Lalo pang pinalakas ang kapasidad ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagtugon sa mga panahon ng pangangailangan.
Ito’y matapos na bumili ang BFP ng dagdag 74 na mga bagong assets na magagamit sa panahon ng disaster response.
Ayon kay BFP Spokesperson F/SSupt. Geranndie Agonos, ngayong hapon nakatakda ang pormal na turnover at blessing ceremony sa mga bagong bili na 51 Fire Trucks, 20 Water Tender, at 3 Rescue Trucks.
Mismo si Pang. Rodrigo Duterte kasama sina DILG Sec. Eduardo Año at Fire Director Jose Embang Jr. ang mangunguna sa naturang seremonya sa Kampo Aguinaldo sa Quezon City.
Malaki naman ang pasasalamat ng BFP kay Pang. Duterte sa ibinibigay na suporta para sa modernization program ng Kagawaran ng Pamatay Sunog.