Connect with us

Disciplinary action vs. sa 20 brgy exec na lumabag sa quarantine protocols, inirekomenda

DILG, makikiisa sa pagbibigay ng ayuda sa mamamayan

National News

Disciplinary action vs. sa 20 brgy exec na lumabag sa quarantine protocols, inirekomenda

Inirekomenda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Office of the Ombudsman ang pagsasagawa ng disciplinary action laban sa 20 mga punong barangay sa Metro Manila kasunod ng .

Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año,nais ipabatid ng ahensya sa iba pang barangay officials na hindi nito kinukunsinti ang anumang pagsuway sa quarantine measures at bilang opisyal ng gobyerno, dapat ito ang manguna sa pagsunod sa batas at hindi sa paglabag.

Mababatid na patung-patong ang mga reklamo at sumbong na natanggap ng DILG laban sa 20 local chief executives kung saan sa kabila ng sagot ng mga ito sa show cause order ay minabuti ng ahensya na ipadala pa rin sa Ombudsman ang mga ebidensyang nakalap laban sa kanila.

Idinagdag pa ni Año na tuluy-tuloy ang pagtanggap ng DILG ng mga reklamo kaya patuloy din ang pagsasampa nito ng kaso sa Ombudsman kung saan wala silang sasantuhin na sinuman.

Sa 20 na mga punong barangays, 5 ay mula sa Caloocan City;  5 din sa Quezon City; 2 mula sa Parañaque City; tig-1 naman sa Mandaluyong City, Las Piñas, Manila City, Makati, Pasay, Taguig, Marikina, at Muntinlupa City.

More in National News

Latest News

To Top