Connect with us

Disease immunization, paiigtingin ng mga bansang kasapi ng ASEAN

International News

Disease immunization, paiigtingin ng mga bansang kasapi ng ASEAN

Mas paiigtingin ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang immunization sa rehiyon sa pamamagitan ng isang declaration na inilabas sa kanilang taunang summit.

Ayon sa mga bansang kabahagi ng ASEAN, kinikilala nila ang “overwhelming evidence” na nagpapakita ng benepisyong ipinagkakaloob sa pamamagitan ng bakuna bilang isa sa mga pinakamatagumpay at cost-effective health interventions.

Nananawagan din ang mga ito ng pagkakaroon ng regional collaboration kasabay ng babala na maaaring kumalat ang mga sakit sa oras na magkaroon ng shortage sa bakuna kahit panandalian lamang.

Dahil dito, hinimok ng sampung bansang kasapi ng ASEAN ang mga member states nito na palakasin ang kooperasyon at mga hakbang sa pamamagitan ng training, palitan ng kaalaman at iba pang developmental actions.

Sa tala ng World Health Organization, noong 2018 ay bumulusok sa 40 percent ang immunization coverage, mula sa 70% sa mga nakalipas na taon dahil na rin sa hindi pagtitiwala ng publiko bunsod ng iskandalo sa anti-dengue vaccine.

Charlie Nosares

More in International News

Latest News

To Top