Metro News
Disenyo ng MRT-7 QMC Station, posibleng mabago kasunod ng pagpalag ng QC gov’t
Bukas ang San Miguel Corporation (SMC) na irekonsidera ang kasalukuyang disenyo ng MRT-7 Quezon Memorial Circle (QMC) Station para matugunan ang hinaing ng Quezon City Government.
Ayon kay Transportation Undersecretary for Railways Tj Batan, sa pebrero 28 ay magpipresenta ang SMC ng kanilang proposed re-design ng MRT-7 QMC Station at makakasama sa pagsasapinal nito ang QC LGU.
Paliwanag ng DOTR, ang malaking sukat ng MRT-7 QMC Station ay bunsod ng updated ridership demand projections at kanilang corresponding increased capacity requirements kasama ang mga malaking passenger support facilities.
Ipinaliwanag din ng DOTR na ang orihinal na rideship at capacity o sizing assumptions ng MRT-7 na base sa 2008 concession agreement ng proyekto ay kailangang i-update noong 2017-2018 dahil natigil ang MRT-7 project sa pagitan ng 2008 hanggang 2016.
Dagdag pa ng ahensya na nilinaw din ng QC LGU na ang kanilang pahayag ukol sa suspensyon ng konstruksyon ay para lamang sa above-ground structures ng MRT-7 QMC Station at maari pa ring ipagpatuloy ang underground works na kasalukuyang tinatrabaho.