Connect with us

Displaced workers ng mga pribadong sektor, makatatanggap ng Php 5,000 mula sa DOLE

Displaced workers ng mga pribadong sektor, makatatanggap ng Php 5,000 mula sa DOLE

National News

Displaced workers ng mga pribadong sektor, makatatanggap ng Php 5,000 mula sa DOLE

Pagkakalooban ng Php 5,000 cash assistance ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang lahat ng mga displaced workers ng mga pribadong sektor.

Ito ang kinumpirma ni Senator Joel Villanueva sa isang pahayag.

Ang naturang cash assistance ay naisakatuparan sa pamamagitan ng department order no. 209 na nagco-cover sa guidelines ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) Adjustment Measures Program (CAMP).

Nakapaloob sa naturang department order na ang cash assistance ay para sa mga manggagawa na nasa ilalim ng polisiyang ‘no work, no pay’ pero kailangang manatili sa kanilang tahanan dahil sa enhanced community quarantine.

Humiling naman si Villanueva na siyang chairmain ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resources Development sa mga displaced workers na gamitin na lamang ang naturang cash assistance sa kanilang mga pangangailangan at huwag nang magpumilit pang pumasok.

Dahil ani Villanueva mas lalaki pa ang magagastos ng pamahalaan kung sila ay matatamaan ng COVID-19.

“Sa pamamagitan ng financial assistance na ito, hinihiling po natin sa ating mga manggagawa na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan habang ipinapatupad ang quarantine sa kani-kanilang mga lugar. Mas malaki po ang gagastusin natin kapag nahawaan tayo ng sakit na COVID-19.”

More in National News

Latest News

To Top