National News
Disqualification case vs Sen. Pimentel, ibinasura
IBINASURA na ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyon ni Atty. Ferdinand Topacio.
Ang petisyon ay kumukwestyon sa kandidatura ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III.
Matatandaan na sa kaniyang petisyon iginiit ni Topacio na labag sa batas kung muli pang tatakbo ang dating senate president.
Dahil nanungkulan na ito mula nang bumaba sa pwesto si dating Sen. Juan Miguel Zubiri.
Sa resolusyon ng Comelec, kinatigan nito ang katwiran ni Pimentel na hindi pa niya nakumpleto ang kanyang unang termino bilang senador.
Ito’y sa mga taong 2007 hanggang 2013 dahil sa proseso ng election protest.
Bunsod nito, sinabi ng komisyon na hindi maaaring ipilit sa sitwasyon ng mambabatas ang two term limit rules.
Samantala, wala pang desisyon ang Comelec sa disqualification case na inihain laban kay dating Sen. Sergio “Serge” Osmena III.