Connect with us

Distribusyon ng 2nd tranche ng SAP, tatapusin na ngayong Hulyo

National News

Distribusyon ng 2nd tranche ng SAP, tatapusin na ngayong Hulyo

Target ng Department of  Social Welfare Development (DSWD) na matapos sa katapusan ng buwan ng Hulyo ang pamamahagi ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP) cash aid.

Ginagamit ngayon ng kagawaran ang digital at direct payouts upang mapabilis ang sa distribusyon ng ayuda.

Nilinaw  naman ni DSWD Director Irene Dumlao  na sa gitnang bahagi pa ng buwan naman ng Agosto matatapos ang pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP sa mga lugar na walang mga financial service providers.

Aminado naman ang pamunuan ng DSWD na natatagalan sila sa pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP dahil sa deduplication process at validation sa mga benepisyaryo upang matiyak na hindi madouble ang lista ng mga ito.

Lalo na aniya yung mga nakalista sa ilang ahensya ng pamahalaan na namamahagi rin ng pinansiyal na tulong.

Maliban dito, naging hamon din sa DSWD ang distribusyon ng SAP ang layo ,siguridad sa mga lugar at maging ang pagsasailalim sa mandatory 14-day quarantine ng kanilang mga tauhan.

Maaalala na naunang sinabi ng Malakanyang na magiging 2 araw lamang ang itatagal ng pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng electronic payouts.

Kaugnay nito, pumalo na sa P15.37 bilyong  ang halaga ng naipamahaging relief assistance ng DSWD sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng krisis bunsod ng COVID-19.

Katumbas ito ng 1,404,252 na family food packs na ang naipamigay ng ahensya sa buong bansa sa pamamagitan ng kanilang field offices.

Mahigit P650 milyon ng nasabing halaga ay mula mismo sa DSWD habang mahigit P398 dito ay galing sa mga non-government organizations.

Malaking bahagi naman ng pondo sa P14.29 bilyon ay mula sa mga Local Government Units (LGU) habang ang nalalabing mahigit P31 milyon ay mula sa iba pang pribado at pampublikong organisasyon.

Mayroon namang natitirang mahigit na P756 milyon  standby funds at mahigit P891 milyon halaga ng stockpiles.

 

More in National News

Latest News

To Top