Connect with us

Divisoria market vendors, nanawagan sa Manila LGU na tigilan ang panggigipit sa kanila

Divisoria market vendors, nanawagan sa Manila LGU na tigilan ang panggigipit sa kanila

National News

Divisoria market vendors, nanawagan sa Manila LGU na tigilan ang panggigipit sa kanila

Puot, hinagpis, galit at takot ang naramdaman ng mga market vendor ng Divisoria Public Market.

Kasunod ito ng sunod-sunod na closure operation na ginawa ng Bureau of Permit ng Manila LGU sa kanilang mga maliliit na negosyo sa Palengke.

Nitong May 17 lang hanggang May 20 ay higit 20 stall na sa Divisoria Public Market ang naisara at nag-iwan ng malaking epekto sa mga manininda.

Matatandaang, nagpasaklolo ang mga nagtitinda sa Divisoria mall nang makatanggap sila ng liham mula sa Market Adminstration office noong Nobyembre 11, 2020 at ipinagbigay sa kanilang kaalaman na isasara ang Divisoria Public Market simula Enero 31, 2021.

Ito ay upang magbigay daan sa gagawing konstruksyon sa bagong itatayong gusali.

Samantala, mariing pinabulaanan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga naging pahayag ng grupo ng mga vendor.

Saysay ni Felixberto Espiritu, Manila City Administrator na ang kanilang mga isinirang tindahan lamang ay ang mga walang business permit.

“Nobody is allowed to do business without permit. Many stall holders in Divisoria are not getting business permit they were being prevented from getting business permit, they said by their leaders. Now, those without permit definitely closed,” ani Felixberto Espiritu, City Administrator, Manila LGU.

Pagbibigay diin pa ni Espiritu, hindi totoo na kabilang sa mga isinara ang mga tindahan na may business permit.

“Hindi totoo iyon, kapag merong business permit hindi isasara. Hindi totoo iyan. Ang isinasara yung walang business permit, iyon lang ang isinasara,” dagdag pa nito.

Dagdag pa ng City Administrator, nararapat umano na hindi payagan ang mga ito na makapagtinda sa gilid ng kanilang stall dahil wala ng business permit ang ito.

Giit pa nito, sa oras maitayo ang bagong pasilidad sa Divisoria Public Market ay makatutulong ito sa mga nagtitinda na makapagtayo ng negosyo basta’t sundin lamang ang mga alitintunin mg lokal na pamahalaan.

“Bibigyan din sila ng space gagawin ding palengke iyong ibaba. Ofcourse uupa sila doon sa building and then kapag binigyan sila ng least contract ng building pupuwede na silang kumuha ng business permit. Walang sini-sino roon. Anybody who can get a least contract can get a business permit,” diin pa ni Espiritu.

Inaasahan naman ng mga nagtitinda na makakarating ang kanilang panawagan kay Pang. Rodrigo Duterte at bago bumaba sa termino ay matulungan sila na maibalik ang kanilang tindihan at negosyo lalo’t nasa pandemya ang bansa at krisis.

More in National News

Latest News

To Top