National News
Divorce bill, hindi pakikinabangan ng mga mahihirap – Rep. Villanueva
Nanindigan si CIBAC Partylist Rep. Bro. Eddie Villanueva na hindi makikinabang ang mga mahihirap sa isinusulong ngayon sa Kamara na Divorce bill.
Ayon kay Villanueva, hindi pa rin matutugunan ng divorce ang mahal at napakahabang proseso ng annulment sa bansa lalo na para sa mga mahihirap na petitioners.
Aniya, bago ipasa ang , maaari munang magpasa ng batas ang Kongreso para sa financial assistance ng mga mahihirap na marriage petitioners na nais ipawalang bisa ang kanilang kasal sa kabuuan ng litigation process.
Ganito rin ang sentimiyento ni c sa Divorce bill.
Ayon kay Abante, malinaw na nakasaad sa Saligang-Batas na ang estado ay “duty bound to protect the institution of marriage.”
Kaya naman sa halip na magpasa ng panibagong batas para sa dissolution of marriage ay marapat na amyendahan na lamang ang umiiral na annulment law.