Connect with us

DMW, nakahandang tumulong sa mga Pilipinong naapektuhan ng lindol sa Taiwan

DMW, nakahandang tumulong sa mga Pilipinong naapektuhan ng lindol sa Taiwan

National News

DMW, nakahandang tumulong sa mga Pilipinong naapektuhan ng lindol sa Taiwan

Kinumpirma ni Secretary Susan Ople na inutusan nito ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) gayundin ang iba pang opisyal ng paggawa sa Taiwan na magbigay sa kanya ng regular na mga update habang umuusad ang sitwasyon.

“I would like to assure our over 147,000 OFWs in Taiwan and their families that the DMW is ready to provide the needed assistance, particularly for those who have been affected by the earthquake,” ani Sec. Susan “Toots” Ople.

Sa ngayon ani pa ni Ople, walang Pilipino ang naiulat na nasawi sa naturang lindol.

Walang rin aniyang report na nasugatan o pinsala na mga Overseas Filipino Worker (OFW) na nasa worksite o dormitoryo, kahit patuloy nakararanas ng pagyanig at aftershocks.

Hinihimok ng Kalihim ang mga OFW na sundin ang mga tagubilin ng Taiwan Manpower Agencies at iba pang kinauukulang ahensya ng gobyerno at manatiling konektado sa gobyerno ng Pilipinas at mga kinatawan ng Filipino community.

Samantala kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nasa hurisdiksyon ng Konsulado ng Pilipinas sa Osaka ang naapektuhan o nasugatan ng bagyong Nanmadol.

Sa isang pahayag na inilabas, sinabi ni DFA spokesperson Ma. Teresita Daza ang ilang mga Pilipino sa Kagoshima Prefecture ay nagpasyang sundin ang panawagan ng kanilang mga lokal na pamahalaan na lumikas sa mga kalapit na evacuation center, walang ring Pilipino ang naiulat ang nawalan ng tirahan dahil sa bagyo.

“As of today, no Filipino under the jurisdiction of the Philippine Consulate in Osaka has been affected or injured by typhoon Nanmadol. While some Filipinos in Kagoshima Prefecture have opted to heed the call of their local governments to evacuate to nearby evacuation centers, no Filipino has been permanently displaced by the storm,” saad naman ni DFA Spox. Ma. Teresira Daza.

Ang Philippine Consulate General sa Osaka ay patuloy na minomonitor ang sitwasyon at patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga Filipino community organization na nasasakupan nito, partikular sa timog-kanlurang bahagi ng Japan.

More in National News

Latest News

To Top