National News
DMW, nakipag-ugnayan sa Hong Kong para protektahan ang OFWs sa pautang at iba pa
Nakipag-ugnayan ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Hong Kong Police Force upang palakasin ang proteksyon para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW).
Sa gitna ito ng nakababahalang pagdami ng mga kaso ng pagkakautang at pagpapakamatay sa hanay ng mga manggagawang pilipino roon.
Tugon na rin ito ng ahensya hinggil sa isang pagdinig sa Senado kamakailan kung saan naisiwalat ang tumaas na kaso ng pagpapakamatay sa mga OFW na walang kakayang bayaran ang utang.
Sinabi ni Cacdac na ang mga insidenteng ito ay pangunahing dulot ng bigat ng mga pautang na may mataas na interes.
Batay sa datos, 6 na OFW sa hong kong ang nagpakamatay noong taong 2023; 5 noong 2024; at 1 hanggang Abril ngayong taon.
