National News
DMW, pinabibigyan ng confidential funds ng Senado
Pinabibigyan ng alokasyon ang Department of Migrant Workers (DMW) para sa confidential funds ng ahensya.
Ito ay isinulong ni Senator Raffy Tulfo para magamit aniya ng DMW sa pagsugpo sa illegal recruitment na naglalagay sa alanganin sa buhay ng mga Overseas Filipino Worker (OFW).
Sa ngayon kasi, nasa P15.542-B ang hininging pondo ng DMW para sa susunod na taon.
At hindi pa kasama dito ang confidential funds.
Kaugnay dito, iminungkahi ni Tulfo na mabigyan ng kahit P25-M confidential fund bilang panimula ng DMW.
