Connect with us

DMW Sec. Cacdac, hindi pa lusot sa CA

DMW Sec. Cacdac, hindi pa lusot sa CA

National News

DMW Sec. Cacdac, hindi pa lusot sa CA

Hindi pa lusot sa Commission on Appointment (CA) si Hans Leo Cacdac bilang kalihim ng Department of Migrant Workers (DMW).

Dahil anila ito sa kawalan ng sapat na panahon para talakayin ang mga usaping lumulutang tungkol sa opisyal.

Sa ngayon ayon kay Senate President Francis Escudero, “bypassed” na si Cacdac at kailangan muna itong mai-reappoint muli ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Sa pagsalang nito sa CA ay mayroong 2 dumalo para harangin ang kompirmasyon ni Cacdac dahil sa umanoy mga dummy recruitment agency ng kalihim.

Pinabulaanan naman ito ni Cacdac subalit iyon nga at hindi na sapat ang oras para sa kumpirmasyon.

More in National News

Latest News

To Top