Connect with us

DND, may paglilinaw sa umano’y peace negotiation sa CPP-NPA-NDF

DND, may paglilinaw sa umano'y peace negotiation sa CPP-NPA-NDF

National News

DND, may paglilinaw sa umano’y peace negotiation sa CPP-NPA-NDF

Wala pang gumugulong na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.

Ito ang nilinaw ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa AFP Leadership Summit 2023 sa Mabalacat City, Pampanga.

Ayon kay Teodoro, tanging exploratory talks pa lamang ang nangyayari sa magkabilang panig.

Dahil dito, magpapatuloy ang law enforcement operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa CPP-NPA-NDF.

Patuloy na tutugisin ng tropa ng gobyerno ang mga armadong grupo na banta sa katahimikan at seguridad ng bansa.

Nabatid na planong tapusin ng militar ang communist armed conflict ngayong taon.

Habang inanunsyo ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año na hindi niya irerekomenda ang Suspension of Military Operations (SOMO) sa CPP-NPA-NDF ngayong kapaskuhan.

More in National News

Latest News

To Top