National News
DND Sec. Teodoro, binalaan ang mga hoarders ngayong inaasahan ang La Niña
Binalaan ni Secretary of National Defense Gilberto Teodoro Jr. na hahabulin ng mga otoridad ang mga hoarders at mga nagmamanipula sa presyo ng mga pangunahing produkto.
Ginawa ng kalihim ang naturang pahayag kasabay ng ika-5 pagtitipon ng Presidential Task Force on El Niño response at paghahanda ng pamahalaan para sa La Niña na ginanap sa Camp Aguinaldo.
Sa nasabing pagpupulong sinabi ni Secretary Teodoro na nakahanda ang Department of National Defense (DND) na magbigay ng suporta sa mga ahensiya na kasama sa pagsasagawa ng price monitoring sa lahat ng pangunahing bilihin.
Aniya kailangan na paigtingin ang price and supply monitoring sa mga merkado upang maprotektahan ang mga consumers mula sa mga mapagsamantala.