National News
DOE, pinaghahanda na sa posibleng epekto ng Saudi drone attack
PINAGHAHANDA na ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Energy sa posibleng epekto sa presyo at supply ng petroly ng drone attack sa oil facilities sa Saudi Arabia.
Sa isang statement, hinimok nito ang DOE sa pagtutulungan sa local oil industry suppliers na bumuo ng contingency plan na pansamantalang papalit sa Saudi oil hanggang maging normal ang suplay ng petrolyo.
Dapat din aniya na tiyakin ng DOE na tumutugon ang mga oil company at refiners sa required minimum inventory na 15 days at 30 days para maibsan ang epekto ng problema.
Ayon kay Gatchalian, maaaring magkaroon ng massive disruption ang nangyari sa Saudi sa local transportation at power sector ng bansa.
Una na rito, sinabi ng DOE na nagsagawa na sila ng emergency meeting at mga hakbang para matiyak na may sapat na paghahanda para harapin ang epekto ng insidente sa bansa.
Tiniyak din ng DOE kasama ang buong Energy family na mahigpit nilang minominitor ang nasabing sitwasyon.
